Wed. Apr 14th, 2021
Sa gunamgunam na pinoporma na ang kasarinlan ang Pilipinas mula sa Jones Law ng 1916, minaniubra ng magpinsang Ingles at Amerikano sa pamamagitan ng Convention Treaty of 1930 ang pagtatakda ng hangganan sa pagitan ng North Borneo (noon isang protektorado ng Britanya) at kapuluan ng Sulu sa Katimugtimugang Pilipinas (noon ay isang teritoryo ng Estados Unidos). Two years after, the Hare Hawes Cutting Law was passed in 1932, superseded by the Tydings-MacDuffie Law in 1934. Bigyan nota ninyo ang mga petsa’t taon.
Akda ni Jing A. Mable

Part 2:  Pagbabalik ng Sultanato, Paano?

Aminin man natin o hindi, ang Sultanato ay isang estado na talagang (de facto) nakatanim hindi lamang sa ating kasaysayan kundi sa kinauugatan ng ating (de jure) republika. Wala namang batas, saligan man o ley na pinasa ng Kongreso na bumuwag sa institusyong ito, mula pa noong Commonwealth hanggang sa pangkasalukuyan.

Sa katotohanan, ang pamahalaang Kastila at Amerikano ay nakipag-ugnayan sa Sultanato sa pamamagitan ng “treaty” o kasunduan, prueba na kinikilala nila ang Sultanato bilang isang kumpleto at bukod na estado.

Ang Spanish Treaty of 1878, sa kabila ng lenguahe nito na “nagaalay” ng soberanya ng Sultanato sa bansang Espanya, ngunit sa katinuan ito ay isa lamang “suzerainty” or “overlord” sa konteksto ng batas internasyonal noong panahon na iyon.

Sa patunay ni Najeeb M. Saleeby, isang manggagamot at iskolar na galing sa Lebanon na nagsilbi dito sa ating bansa at nagpasimuno ng mga pagaaral sa kasaysayan, kultura, talaangkanan o “genealogy” ng Islam sa Luzon, Visayas at Mindanao:

“Ang estado ng Sulu sangayon sa kahulugan ng kasunduang nalagdaan ay isang protektorado o “trust territory” at hindi dependensya. Ang internal na pamamahala ng mga tao, lupaing naturan, batas, relihiyon, kaugalian at tradisyon ay sa ilalim pa rin ng Sultan at hindi nasakupan ng mga Espanyol.

 “Ang pakikialaam lamang ng hari (ng Espanya) ay yaong patungkol sa regulasyon sa paggamit ng sandata. Ultimong ugnayang panlabas sa ibang bansa ay ipinagkatiwala ng Espanya sa gobyerno ng Pilipinas. Hindi rin nakialam ang mga Espanyol at gobyerno ng Pilipinas sa komersyo ng Sultanato sa iba’t bansa, sa pagpataw ng buwis at pagkolekta ng taripa sa mga angkat na kalakal.”

Samakatuwid, isang malaking anomalya sa kasaysayan ng mundo ang pagwalis na lamang ng Estados Unidos sa Mindanao at Kapuluan ng Sulu sa ilalim ng teritoryo ng Pilipinas sa pamamagitan ng Treaty of Paris of 1898 na nagsukli ng 20 milyong dolyares upang wakasan ang Spanish-American War, ganoong hindi naman nasakop, nalupig o nasupil ng puwersang Kastila o naidugtong ng Espanya ang Mindanao at Kapuluan ng Sulu.

Bukod rito, ang pagbuo o pagganyak ng Kiram-Bates Treaty of 1899 ng Sultanato ng Sulu sa Estados Unidos ay bungsod lamang ng pagpigil sa mga Muslim sa pagsawsaw sa gera ng mga nagre-rebeldeng Pilipino laban sa mga Amerikano. Sa Kamusliman naman, ito ay isang pag-iwas sa pagdanak ng dugo na maari pang maihasik sa Katimugtimugan.

Matapos ang limang taong pacification o pagpapatahimik ng himagsikan sa Luzon, pinawalang saysay rin ng Secretary of War William Howard Taft sa pamamagitan ng isang telegrama kay Gobernador-Heneral Edward Wright noong March 2, 1904, ang kasunduang ito na tinagurian nyang isa lamang “executive agreement”.

Gaya ng ating nabanggit na, ang pakiki-pagtransaksyon ng Espanya at Amerika sa Sultan patungkol sa Mindanao at Kapuluan ng Sulu sa pamamagitan ng “treaty” o “executive agreements” ay patunay lamang ng pagkilala ng soberanya ng Sultanato sa kanyang mga nasasakupan.

Paggalang sa Minanang Kaayusan

Sumunod rito ay isang Memorandum Agreement na pinirmahan ni Governor Frank Carpenter ng Department of Mindanao and Sulu noong 1915, na hayagang kumikilala ng “ecclesiastical authority of the Sultan over his adherents in the Sulu Archipelago and elsewhere within American territory (Philippines) without any reservation or limitation whatsoever,” pagpapatunay ng liderato na hindi lamang pisikal kundi espiritwal sa ibabaw ng Kamusliman sa buong sinakluban ng Estados Unidos dito sa ating bansa.

Maski sa Jones Law ng 1916 kung saan ang pangako ng kasarinlan o independensya para sa mga Pilipino ay ipinako ng gobiernong pederal ng Estados Unidos, o sa Tydings MacDuffie Law ng 1934 man kung saan inukit ang pagbibigay ng lubos na kasarinlan para sa Pilipinas, matapos ang sampung taon na pagsasanay bilang isang Komonwelt, nanatiling tahimik lamang kung paano nasaklob ng Espanya, Amerika at Pilipinas ang Katimugtimugang Luzviminda.

Sa Artikulo I ng kanyang Saligang Batas ng 1935, basta at ipinagpalagay na lamang kinamkam ang anumang teritoryo na isinuko ng Espanya sa Amerikano sa Treaty of Paris 1898 at sa kanilang Treaty of Washington 1900, lakip dito ang Mindanao, Sulu, Palawan, Basilan at TawiTawi.

Sa kasukdulang panlilinlang, nilakip pa rito ang pinagkasunduan ng Estados Unidos at Britanya sa Convention Treaty of 1930 – dalawang banyagang nasyon na wala namang karapatang iputong ang kanilang loobin sa hindi naman nila pagaari. Sa pamamagitan ng huwad na kasunduang ito, nalimbag ang “demarcation line” sa pag-itan ng Sulu at ang ninakaw na teritoryo ng Britanya mula sa Sultanato ng Sulu na ang North Borneo o Sabah.

Sa katapusan ng Artikulong ito, idinugtong rin na kasama ang lahat ng teritoryo kung saan ang pangkasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas (sa ilalim ng kolonyal na Amerikano) ay may hurisdiksyon. Paano naman magkaka-hurisdiksyon ang Amerikano sa mga naturang Katigmugtimugan ganoon wala naman itong epektibong kontrol rito?

Hindi lahat sa Estados Unidos ay sangayon sa dahas na ginamit ng sundalo nila laban sa ating Kamusliman. Sa unang sagupaan sa pamamagitan ng puwersa ni Governor-Heneral Leonard Wood at mga moro sa Bud Dajo noong Marso 1906, dalampu’t isa ang napatay at pitumpong nasugatan na banyaga. Subalit walo hanggang siyam na raang katutubo ang kanilang minasaker, walang pakundangan kung lalake, babae man o kabataan.

Sa patotoo ng sikat na awtor na si Mark Twain, na nang matapos ang putukan at tagisan ng armas sa bunganga ng bulkan ng Bud Dajo at mapawi ang usok, mayroon pa raw dalawang raang sugatan ang inikot-ikutan ng mga medikong Amerikano. Subalit matapos ang kabuuan ng apat na araw na labanan wala ni-isa sa kanila ang pinaligtas nang buhay. Aniya, nagmistulang matadero ang kapaligiran.

Masaker sa Bud Dajo, Patikul, Sulu, March, 1906.

Subalit noong 1936, pula puti pa ang kaisipan ng mga dalub-agham o siyentipiko sa larangang politikal. Lunod pa si Pangulong Manuel L. Quezon sa yuporya ng kasarinlan para sa Pilipinas sa ilalim ng Commonwealth at dogmatikong pagyakap sa American democratic system, lalo na ang kaisipan ukol sa separasyon ng estado at simbahan, ng political sa espiritwal.

Sangayon kay Quezon ang “Moro problem” ay isa lamang kathang-isip o “myth” kaya para mawala na lang ang problemang pumumutakte sa Malakanang, sa pamamagitan lamang ng isang Memorandum binura nya ang pagkilala ng bagong

Noong September 2016, sinabi ng Pangulong Duterte na hindi pa humihingi ng paumanhim ang Estados Unidos sa mga kalupitan ng mga sundalo nito sa mga Pilipino at Moro noong gawin nila tayong isang kolonya, gaya ng nasa larawang pinakita nya sa mga miembro ng media.

pamahalaan sa “succession” o palitan ng poder sa Sultanato matapos bawian ng buhay si Sultan Jamalul Kiram.

Ngunit namatay ba ang Sultanato? Mula noon hanggang ngayon, hindi huminto ang Ruma Bechara, na maari nating isaalang-alang na mekanismong parliamentaryo, sa pagpili ng walang-putol na kapalit sa kanyang trono. Sa ngayon kung hindi manggugulo ang mga politiko, ang itinatalagang Sultan sa tradisyong Kasuluan ay si Pugdalun Kiram II.

Ang kalokohan  ni Quezon ay lalo lamang nagpagulo sa isyu. Ang pagpunit ng pamahalaang secular sa sagradong pagkakaisa ng kapangyarihang temporal (pisikal o politikal) at eklesiastikal (religious o espiritwal) sa tradisyon ng ating mga kabansang Muslim, ay nagbunga pa ng mas malalim pang sugat. Ang mga maka-kanlurang Saligang Batas buhat pa nung 1935 hanggang 1987 ay nagdulot ng pagkawalang saysay sa mahabang kasaysayan at dakilang nakaraan ng mga TAO sa Katimugtimugan.

Animo’y balot sa sumpa ng kawalaang kapayapaan, nakabaon sa sigalot, nakasal sa rebelyon at digmaan!

Hindi gamot ang anumang solusyong politikal, kaisipang banyagang maka-kanluran na base lamang sa binatasang pamamahagi ng kapangyarihan o tinaguriang “autonomy”, ngunit mahina naman sa kinaugaliang tradisyon dahil ang sanhi ng kaguluhan ay nakaugat sa kasaysayan at ang lunas nito ay nasa ibayo pa ng paglimbag o pag-ukit ng batas.

Sagrado sa Islam ang pagkakaisa ng estado at kasimbahan. Pero dahil sa de facto estado na ang Sultanato, naaring ipasok sa ating Saligang Batas ang pananarinaring ito sa ilalim ng “dalawang-sistema-isang-gobierno” (two systems-one government)  tulad ng ginawa ng bansang China sa Hongkong. Ang paggalang sa minanang kaugalian ay susi ng kapayapaan.

Panahon na upang ibalik ang hugis at anyo ng Sultanato sa sentro ng lipunan ng ating Kamusliman, sapagkat ang Islam ay taal sa solusyon tungo sa totoo at walang kupas na kaayusan. Sa Katimugtimugan, ang etimolohiya nito ay malalim pa sa Katagalugang “kapayapaan” kundi ang malalim na kalagayang puspos ng “kalinaw”.

‘People’s Draft,’ Sagot sa Pagbabalik ng Sultanato

Anong proseso ang magpapaganap nitong mithiing ito?

“Para mabuhay muli ang instituyong ito, kailangan munang kilalanin at pahalagahan ang mga Sultanato ng Bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang “People’s Draft Constitution” ng aming grupo ay kumikilala sa mga sultanato sa Katimugan,” paliwanag ni Atty. Dindo Donato, abogado ng Tanggulang Demokrasya (TanDem), isang grupong nagsusulong ng makabuluhang pagbabago ng Saligang Batas. “Ang People’s Draft Constitution lang ang natatanging salin o bersyon ng Saligang Batas na gagawa nito,” padagdag ni Donato.

“Sa pagbabalik ng mga Sultanato, matutugunan muli ang pangkalahatang pangangailangan ng mga Muslim sa ating Bansa,” kumpirmasyon at bigay-diin ni Idjirani.

“Ang dagdag halaga ng “People’s Draft” para sa Sultanato ng Sulu at sa buong Bansa ay ang pagbabalik ng probisyong kumikilala sa ligal at makasaysayang karapatan natin sa mga lupang nasasakupan tulad ng Sabah,” pahabol ni Donato, “Ang probisyong tinutukoy ay nasa Saligang Batas ng 1973 subalit iniwaglit sa Saligang Batas ng 1987.” 

Mula pa nung 1970s hanggang ngayon, namumuo at lumalakas ang kilusan upang ibalik ang mga Sultanato lalo’t patuloy ang kaguluhan at pagkabigo ng mga pormang autonomiya at mga lider politikal sa mga lalawigang ito.

Sa ngayon, ang limang sultanato sa bansa ay nagsanib pwersa upang isulong ang pagbabalik ng mga Sultanato bilang makatotohanan at katanggap-tangap na solusyon sa pagkapariwara ng Kamusliman sa Bansa.

Nuong Agosto 2019, binuo ng limang sultanato ng Luzviminda ang “Royal Confederation of Sultanates” upang isulong ang pagbabalik ng mga Sultanato bilang solusyon sa problema ng pamumuno.

Ang mga Sultanatong ito na may impluwensya sa 40% ng populasyon sa Katimugtimugan ay binubuo ng Sultanato ng Sulu, Maharlikang Ug Buhayan ng Sultan Kudarat, Sultanato ng Maguindanao, at ng 16 Maharlikang Pamilya ng Lanao at Davao.

Matapos ang halos 86 na taon ng bigong pamamalakad, mga samut-saring pagsubok at pakakamali batay sa makakanlurang talisikan at dayuhang paguugali na nagpailap lamang sa kaayusan sa ating katimugang bansa at sa harap ng walang patid na karahasan, korapsyon, at bigong pamamahala sa  ARMM at ngayon BARMM, panahon na para pasiglahin muli ang institusyon ng Sultanato na tumutugon sa pangangailangang pisikal, sosyal at espiritwal ng ating mga kapatid na Muslim at mga sangayong katutubo at lumad (indigenous peoples).

Tanging pagbabalik sa simulaing kinagisnan ng ating mga Ninuno at hinubog ng   awtentiko o mapapanaligang kasaysayan at kultura, ang makapaglulunsad ng tunay, walang kupas at makabuluhang kapayapaan at kaunlaran sa ating Kapuluang Luzviminda.

Gumising na tayo sa propesia ng ating pambansang bayani Dr. Jose Rizal na inukit niya sa kanyang aklat “El Flibusterismo”, bago ang lunas ay maagaw ng tadhana at humulagpos ng ating mga kamay:

“Ang bulong, pag nag-alab ang apat na tagiliran ng sinumpang bayan na iyan, na tirahan ng mga mapagpalalong walang namumuwangan at walang awang panggagaga sa mangmang at nagigipit;

“(Ka) pag ang pangkakagulo ay nangyari na sa mga arabal at palusubin ko sa mga lansangan ang aking mga taong maghihiganti na binunga ng mga panggagahis at kamalian, ay saka ko bubuksan ang moog ng inyong bilangguan;

“Aagawin kita sa kamay ng dalubhasang pananalig, at maputing kalapati magiging (Phoenix) kang muling sisipot (mula) sa mainit na abo.”

Jing A. Mable, short for Maria Salome A. Mable, is a retired freelance writer and former professor at the Polytechnic University of the Philippines Open University (PUP OU) from 2005-2015. She was owner/publisher of the Journal on Environment, Energy and Minerals (JEEM) and consultant at the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) from 1995-2003 and the Office of the Executive Secretary from 2004-2010. At present, she is an advocate for electoral reforms and system change.

Postscript: In serious discussion are Sultan of Sulu and North Borneo Jamalul Kiram III, right, and his brother Sultan Bantilan Esmail Kiram II in Taguig, south of Manila, Philippines on Sunday, March 10, 2013.
At the instance of the Sultanate, their brother Agbimuddin Kiram earlier led 200 men from the predominant Tausug/Suluk tribe for a “homecoming sojourn” to revive an old claim to the territory of Sabah, a matter that was construed by Malaysian authorities as an invasion. Sixty eight were killed in what was called the “Lahad Datu Stand-Off”.
Agbimuddin was Raja Muda, the designate Sultan of Sabah. He died in January 2015 of natural causes. Jamalul III died earlier in October 15, 2013 and was replaced by Esmail II who died September 2015 paving the way for the new Sultan, Phugdalun Kiram II in succession.
The British High Court in Sandakan, Norh Borneo decided in 1939 in favor of the descendants of Sultan Jamalul Kiram I and duly recognized their ownership over North Borneo (Sabah) and mandated the British North Borneo Company and the British Government, to resume rendering the annual rental payment to the descendants.
The Philippines filed a claim to North Borneo at the United Nations in 1962.
The Manila Accord of 1963 was signed between Philippine President Diosdado Macapagal, Indonesian President Soekarno and Malayan Prime Minister Tungku Abdul Rahman, where Malaysia agreed that the inclusion of Sabah in its Federation would not prejudice the Philippine claim.
Malaysia acknowledged the right of the Philippines to pursue its claim in accordance with international laws and the United Nations principles of pacific settlement of disputes.
 

(Ang Maestro” Ado Paglinawan contributed to this article.)

Leave a Reply