Thu. Aug 5th, 2021
(Photo Courtesy: http://www.news.abs-cbn.com)

Nakakatuwang makita na patuloy ang vaccine roll-out para makamit ang herd immunity kontra COVID-19. Ito ang tanging paraan upang makabalik sa normal ang ating pamumuhay.

Maliban sa vaccine roll-out program na ipinatutupad ngayon, patuloy tayong umiikot sa buong bansa para mabigyan ng iba’t ibang ayuda ang ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis.

Nitong Sabado, March 6, tinulungan natin ang 550 na benepisaryo sa Polangui, Albay at karagdagang 590 pa na mga benepisaryo sa ikalawang bisita namin sa lugar nitong Linggo, March 7. Nitong Lunes, March 8, tinulungan din natin ang 399 na benepisaryo sa Libon, Albay at karagdagang 367 na mga benepisaryo sa lugar sa ikalawang pagbisita namin nitong Martes, March 9.

Dumayo rin tayo sa Bgy. Taluksangay sa Zamboanga City para tulungan ang 169 na biktima ng storm surge nitong Miyerkules, March 10. Gayundin, bumalik tayo sa Isabela at Cagayan para maghatid ng dagdag-tulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses noong nakaraang taon.

Bukod dito, patuloy pa rin ang ating pag-iikot para tulungan ang ating mga kababayan na nawalan ng mga tahanan at kagamitan dahil sa sunog. Nitong Martes, March 9, tinulungan natin ang 22 na pamilya sa Macabalan sa Cagayan de Oro City at mga 26 na pamilya sa Barangay 892 sa Sta. Ana, Manila.

Sa parehong araw, dumayo naman tayo sa Barangay Bayanan sa Muntinlupa City para tulungan ang sampung pamilya na biktima rin ng sunog. Samantala, kahapon, March 11, nakatanggap din ang labing-apat na pamilya sa Benguet na nabiktima ng iba’t ibang insidente ng sunog.

Nitong Miyerkules naman, March 10, personal tayong binisita at binigyan ng tulong ang 300 na pamilya sa Barangay Governor Vicente Duterte at karagdagang 28 pa na mga pamilya sa Barangay Bucana sa Davao City.

Tayo ay pumunta naman sa Barangay Cupang sa Muntinlupa City upang tulungan ang mga 77 na pamilya. Bumisita rin tayo sa Tuktukan sa Taguig City upang tulungan ang karagdagang labing-dalawang pamilya na nasunugan din.

Kahapon lamang ay pumunta tayo sa Dumaguete City para magbigay ng tulong sa iba’t ibang sektor. Nagpaabot tayo ng ayuda sa 38 na nasunugan sa iba’t ibang bayan ng Negros Oriental, 1,050 market at ambulant vendors, 233 na fisher folks, 34 na PWDs at apat na atletang boksingero. Pagkatapos ng pagbibigay-tulong, binisita rin natin ang Negros Oriental Provincial Hospital para mamigay ng tulong sa mga pasyente at frontliners, at makita ang patuloy na operasyon ng Malasakit Center doon.

Sa lahat ng ating mga dalaw, namahagi tayo ng food packs, gamot, masks, face shields at iba pang ayuda na kailangan ng ating mga kababayan. May mga iilan ding mga benepisaryong nakatanggap ng sapatos at bisikleta. Mayroon ding nakatanggap ng computer tablets para makatulong sa kanilang mga blended learning-set up sa paaralan.

Bukod sa tulong na ipinamahagi ng aming opisina, patuloy din ang serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD, DOLE, DA, DTI, DOH, NHA, TESDA at iba pa upang tumulong sa mga kababayan nating may hinaharap na krisis.

Nakikiusap tayo sa lahat ng ating mga kababayan na ipagpatuloy ang bayanihan at sumunod palagi sa mga itinakdang health protocols, tulad ng paghugas ng mga kamay, pagsuot ng mask at face shield, at social distancing para manatiling ligtas ang ating mga komunidad.

Titiyakin nating darating din ang mga bakuna sa bawat komunidad. Walang Pilipino, lalo na ang mahihirap, ang maiiwan sa ating muling pagbangon.

Patuloy lang tayong magtulungan. Andito ang buong Administrasyong Duterte na may tunay na malasakit sa inyo at handang tumulong kahit saan mang parte ng mundo.

Sa panahon ngayon, walang tulog dapat ang pagseserbisyo sa kapwa tao. Kapit lang, kayang-kaya natin ito!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

Leave a Reply