Wed. May 19th, 2021

Bilang pakikiisa sa pagpapalaganap ng diwa ng bayanihan, naglunsad ang 9th Infantry (SPEAR) Division (9ID) ng sarili nitong Spear Community Pantry para matulungan ang mga residente sa paligid ng Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur, na apektado ng pangkasalukuyang pandemya.

It has been the tradition of the Philippine Army to host resource-sharing exercises. now tagged as ‘community pantry’. Soldiers while off their ‘idle’ times growing backyard crops from funds voluntarily raised among themselves. For the Spear version, they dug deep into their pockets to ensure rice and some canned goods are also made available.

Binigyan ng tema ito na “Bayanihan: Sama-sama, Magkaisa Para sa Bayan”.

Mula alas-8 ng umaga ng tatlong takdang araw, nakakuha ng kanilang mga pangunahing pangangailangan ang mga residente tulad na lamang ng bigas, gulay, de lata at iba pa sa pantry na matatagpuan sa Gate 2 ng headquarters.

Gaya ng mga binubuksang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa, pinaaalalahanan din ng Spear Division ang mga residente na kumuha lamang ayon sa kanilang pangangailangan.

Siniguro rin ng 9ID na nasusunod ang ipinatutupad na health protocols tulad na lamang ng physical distancing at pagsusuot ng facemask.

Ayon kay Salvador Velasco, 83-anyos, isa sa mga naunang benipisyaryo, napakalaking tulong ng naturang community pantry lalo na sa mga tulad nilang senior citizen at wala ng hanapbuhay.

“Maganda ang ganitong programa kasi maraming natutulungan. Grabe ang [hirap] ng buhay ngayon dahil walang mga trabaho tulad sa akin wala ng trabaho,“ ani Velasco.

May mga indibidwal at negosyante naman na nagpaabot ng kanilang tulong tulad na lamang ng retiradong sundalong si 2nd Lt. Edwin Martinez.

“Pakiramdam ko sundalo pa rin ako. Kabahagi ako kung ano ‘yong programa nila, kabahagi ako kahit ako’y retirado na. Napakaganda ng ginagawa nilang ito. Sa pamamagitan ng ganitong pamamahagi, nakakatulong tayo. Napakasarap sa pakiramdam,” sabi ni Martinez.

Samantala, tiniyak naman ni MajGen Henry Robinson Jr PA, commander ng 9ID na hindi magsasawa ang mga sundalo na tumulong sa mga Bicolano kasabay ng maigting na kampanya laban sa insurhensya.

“Sa gitna ng krisis, higit nating kailangang magkaisa at magtulungan. Ang paglulunsad ng community pantry na ito ay isang paraan upang makapagbahagi tayo ng ating biyaya sa mga kababayan nating higit na nangangailangan,” ani MGen. Robinson.

Leave a Reply