Tue. Jun 15th, 2021
Gory outcome of senseless, indiscriminate murder of innocent civilians.

Mariing kinondena ng Joint Task Force Bicolandia sa pamumuno ni MajGen Henery Robinson Jr PA, ang pagpapasabog ng isang “anti-personnel mine” na ikinamatay ng dalawang sibilyan at ikinasugat ng limang iba pa, gabi ng Mayo 1.

Ayon sa ulat, madaliang inihagis ng mga communist NPA terrorist (CNT) ang nasabing bomba sa tabi ng kalsada ng Barangay Del Carmen sa bayan ng Uson.

Dead on the spot ang dalawang sibilyan habang sugatan naman ang limang iba pa na kinabibilangan ng isang CAFGU Active Auxiliary (CAA) na napadaan lamang sa naturang lugar.

Agad naman na isinugod sa ospital ang mga nasugatan habang nagsagawa naman ng pursuit operation ang mga tropa ng gobyerno daan upang makuha ng mga ito ang isa pang unexploded anti-personnel mine malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Dahil dito, inatasan na ni Lt. Col. Siegfried Felipe Awichen, Battalion Commander ng 2nd Infantry Battalion (2IB) ang mga sundalo na higpitan ang seguridad na ipinatutupad sa nasabing bayan at hanapin ang mga komunistang teroristang responsable sa nasabing karahasan.

Pinaalalahanan naman ngayon ni Col. Aldwine Almase,  Brigade Commander ng 903rd Infantry Brigade ang mga mamamayan na mas maging alerto sa iba pang mga patraydor at desperadong pang-aatake ng CTG.

“Frustrated na ang ating mga kalaban sa patuloy na suportang nakukuha ng gobyerno mula sa mga Masbateño kaya sa ganitong mga paraan sila bumabawi para ipakita nilang malakas pa sila ngunit ang totoo natatakot na sila sa epekto ng mga programang inilulunsad ng pamahalaan na nagiging daan para patuloy na magbalik-loob sa gobyerno ang kanilang mga miyembro,” ani Col. Almase.

Ayon naman kay MGen. Robinson, dahil sa pangyayari, lalo lamang pinatunayan ng CTG na sila ang totoong salot ng lipunan at higit na nagpapahirap sa mga mamamayan.

Ang pambobomba aniyang ito ay tahasang paglabag sa International Humanitarian Law (IHL) at sa RA 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

“To the Masbateños, we are now conducting an extensive follow-up operation together with our counterpart from the PNP. Hindi kami titigil hangga’t hindi napapanagot ang mga teroristang gumawa ng ganitong kalunos-lunos na krimen. Walang matinong tao o grupo na kayang gumawa nito. This is an evil and unforgivable terroristic attack against the Bicolanos. Thus, we will make sure to put the perpetrators of this treachery behind bars until they rot,” ani MGen. Robinson.

Ipinarating din ni MGen. Robinson ang pakikiramay sa pamilya ng mga napaslang.

Magugunitang nitong Abril 23 lamang ay isa ring anti-personnel mine ang pinasabog ng teroristang grupo sa bayan ng Milagros na ikinasugat ng isang empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang dalawang sibilyan din kabilang ang isang menor edad ang nasugatan sa nangyaring pagsabog noong Abril 3 sa Barangay Allang, Ligao City, Albay.

Noong Abril 5 naman ay napigilan ng mga otoridad ang iba pang masamang plano ng mga terorista matapos masamsam sa isang operasyon ang 53 mga naglalakihang anti-personnel mine sa Barangay Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur.

Leave a Reply