Wed. Dec 8th, 2021
Go visits Aklan.

By Senator Bong Go

Habang papalapit na ang halalan sa susunod na taon, mas lalong umiinit ang mga usaping pampulitika. Pero huwag sana nating kalimutan na meron pa tayong trabahong dapat gampanan. Unahin muna natin ang serbisyo dahil ito ang rason kung bakit natin nais mamuno at mapabilang sa gobyerno.

Bago ang kampanya, pagtuunan muna natin ng pansin ang mga kababayang nasiraan ng bahay at namatayan dahil sa nagdaang sakuna, mga kapwa Pilipino nating nagpipilit na malampasan ang hirap na dala ng pandemya matapos mawalan ng trabaho at kabuhayan, nagugutom na walang matakbuhan, at frontliners nating patuloy na nakikipagbakbakan sa sakit na Covid-19.

Tulad ng bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte, “Unahin mo ang kapakanan ng mga Pilipino at mahalin natin ang ating kapwa, hinding-hindi ka magkakamali.”

Bilang dagdag-tulong sa ating mga kababayan, mula October 9 hanggang 14, tumugon tayo sa pangangailangan ng mga kababayan nating apektado ng pandemya at nakaraang sakuna. Sa Misamis Oriental, namigay tayo ng tulong sa mga magsasaka, tulad ng 641 sa El Salvador, 71 sa Manticao, at 238 naman sa Initao.

Sa Aklan, nag-abot din ang aking opisina ng tulong sa 5,000 miyembro ng iba’t ibang sektor sa Kalibo, Banga, Balete, Altavas at New Washington. Tumulong din tayo sa iba’t ibang sektor sa Bukidnon: 541 sa Sumilao at 766 sa Manolo Fortich. Sinuportahan din natin ang 930 religious leaders sa Malolos City at 400 indigents sa Angat sa Bulacan.

Tinulungan din natin ang 1,000 na mahihirap sa Davao City; 2,583 sa Umingan, Pangasinan; 1,180 memorial park workers sa Parañaque City; 3,050 essential workers sa Poro at Tudela, Cebu; 4,000 TODA members, market vendors at indigent families sa Cabangan at Subic, Zambales; 2,844 vulnerable residents sa Minalin, Pampanga; 500 micro-entrepreneurs sa Capas, Tarlac; 5,000 sa San Julian, Sulat, Dolores, Taft, Policarpio, Oras sa Eastern Samar; 318 indigents at ilang biktima ng nagdaang bagyo sa San Juan at Mataas na Kahoy, Batangas; 654 indigents sa Naic, Cavite; halos 1,400 economic frontliners sa Lanao del Sur, partikular sa mga bayan ng Malabang, Picong, Binidayan at Lumbatan; 338 essential workers sa Sta. Cruz, Laguna; at 390 residente ng Mati City, Davao Oriental.

Isinagawa ang mga pagtulong na ito per batch sa ligtas na paraan ayon sa mga itinakdang mga patakaran upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Samantala, binuksan din natin ang ika-143 Malasakit Center sa bansa sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub City, Misamis Occidental. Nagkaroon din tayo ng monitoring visit ng Malasakit Center sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Ozamiz City. Sa ating personal na pagbisita doon, nag-abot din tayo ng tulong sa 1,200 essential workers mula sa Ozamiz City at 400 sa Tangub City.

Patuloy ang pagbibigay natin ng mas mabilis, maaasahan at de-kalidad na serbisyong medikal, lalo na sa mga pinakanangangailangang Pilipino sa malalayong lugar. Kaya patuloy ang ating pagbubukas ng mga Malasakit Center kahit saang sulok ng bansa. Sa ngayon, meron na tayong 77 na Malasakit Centers sa Luzon, 29 sa Kabisayaan at 37 sa Mindanao.

At bilang chair ng Senate Committee on Health, masaya akong ibalitang naabot na natin ang higit 75% na bakunado sa target population ng Metro Manila na dating ground zero noong kasagsagan ng pandemya. At patuloy ang pagdating ng mga bakuna na tanging susi ng ating pagbangon.

As of October 13, nakapagturok na tayo ng 50.97 milyong bakuna na kung saan ay merong 27.19 milyong Pilipino ang nakakuha ng unang dose at may dagdag na 23.77 milyong Pilipinong nakakumpleto ng kanilang bakuna. Meron na ring kabuuang 88.63 milyong doses ng bakunang dumating sa bansa.

Nais natig maalala bilang lingkod bayan na inyong malalapitan at handang magserbisyo sa anumang sitwasyon o panahon. Kung sakaling tayo ay ihalal ng taumbayan, magiging working vice-president tayo, hindi lang sa salita kundi sa gawa.

Desidido tayong maglingkod sa inyo upang maipagpapatuloy ang mga nasimulan ng administrasyong ito. Walang masasayang na oras, walang masasayang na minuto sa ating walang humpay at buong pusong pagseserbisyo para sa kapakanan ng bawat Pilipino!

Leave a Reply