Tue. Dec 7th, 2021

Walay Paglubad, sir!

Oct 30, 2021

Si Tatay ay bisaya din, taga Loreto, Agusan del Sur.

Sabi ni tatay namatay raw ang boss nya dati kaya sila pumunta ng Manila kasama ang dalawang anak nya upang mag-hanapbuhay.

Nakita sila ni Senator Bong Go sa daan kasabay ng pagbukas ng ika-146 Malasakit Center sa Las Piñas kahapon, October 27, 2021.

Kinausap sila ni Sen. ng masinsinan na para bang tunay nyang kapamilya.

Nakiinom pa ito ng buko kasama ang mga bata.

Binigyan sila ng options ni Senator Bong Go na tulungan itong makauwi sa Loreto, Agusan sa pamamagitan ng Balik Probinsya program ng gobyerno at bibigyan ito ng trabaho upang mapalaki nya ng maayos ang kanyang mga anak at sila’y maging ligtas.

Bago umalis, sinigurado ni Senator Bong Go na mabibigyan ng tulong si Tatay at kanyang mga anak.  (by Willariza Veloso Tigle)

Leave a Reply