Wed. Dec 8th, 2021

By Senator Bong Go

President Rodrigo Duterte is still considering running for a Senate seat in 2022, assuring the public that if elected, the president will continue to prioritize their welfare by helping and serving more Filipinos in need.

He is considering, pinag-aaralan niyang mabuti. Kung makakatulong ba sa bayan… he might. Kino-consider n’ya po ‘yung pagtakbo.”

The President is examining a number of factors before deciding whether or not to run, including his party’s, PDP-Laban, senatorial slate. Duterte is open to run if it will help administration candidates win.

Siyempre tinitingnan din niya ‘yung slate ng administration ng PDP. Kung makakatulong siya na mas maraming mananalo sa part ng administration.

President Duterte is being urged by PDP-Laban, to run for senator in the 2022 elections. Energy Secretary Alfonso Cusi, as party president, stated that attempts are being made to push Duterte to run for Senate next year.

Although President Duterte is more than qualified to be senate president if elected as senator, it is too early to discuss such possibilities especially since the Senate leadership is decided upon by a collegial body.

Masyado pang maaga sigurong pag-usapan ‘yan dahil hindi naman natin alam kung sino ang mananalo, who will compose the majority. Kadalasan diyan ay pipiliin po ng majority. Pero bilang former president ay napakalaking bagay ‘yon sa kanyang ah leadership ‘no, nanggaling sa pagka-presidente.

Importante po sa kanya ngayon is malampasan muna natin itong pandemya, itong krisis na ating kinakaharap, at makakatawid na po tayo sa ating normal na pamumuhay.”

Tuluy-tuloy na pagbangon mula sa pandemya at mga hamon ng panahon!

Sinalubong natin ang Nobyembre nang may pag-asa na unti-unti na nating malalampasan ang pandemya. Ang mga kaso ng COVID-19 ay bumababa na habang ang ating pagbabakuna sa publiko ay tumataas araw-araw.

Nitong Nobyembre 1, 2021 ay nakatanggap tayo ng mahigit 108.9 milyong doses ng mga bakuna. Nakapagbigay na rin tayo ng kabuuang 59.5 milyong doses, kung saan mahigit 32 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang unang dose, habang mahigit 27.4 milyon naman ang nabakunahan na nang buo.

Habang patuloy tayong nagsisikap patungo sa pagbangon ng ating ekonomiya, napakahalagang hindi tayo maging kampante sa ngayon. Bagama’t nakikita na natin ang liwanag, importante na malaman na hindi pa tapos ang laban.

Dapat tayong manatiling mapagbantay, sumunod sa mga health protocols, bakunahan ang natitirang populasyon at tiyaking walang Pilipino ang maiiwan sa ating pagbangon bilang isang bansa.

Tandaan, ang bakuna ang susi para bumalik tayo sa normal at mapagtagumpayan ang pandemyang ito. Kaya hinihikayat natin ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna, lalo na’t bukas na ang programa sa buong publiko.

Nasa siyensiya at datos na kapag bakunado, mas maiiwasan ang matinding epekto ng COVID-19. ‘Yan talaga ang ating nais iwasan kapag nagkakasakit tayo. Walang bisa ang bakuna kung hindi natin ito kukunin, kaya huwag tayong matakot para magpabakuna sa pagdating ng oportunidad.

Habang pinoproteksiyunan natin ang buhay ng mga Pilipino, patuloy na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang maibsan ang gutom at mapagaan ang hirap na dinadala ng mamamayan. Importante ang tiyan ng bawat Pilipino. Kapag protektado ang komunidad gamit ang bakuna, mas makapagtatrabaho na rin ang mga tao at sisigla ang kabuhayan ng lahat.

Ayon sa Department of Health, inaprubahan na nila ang pagsu-supply ng booster injections para sa mga priority groups. Kaya nananawagan tayo sa pamahalaan na ayusin na ang plano at maipatupad na agad ayon sa guidelines at supply ng bakuna, lalo na sa pinakamahihirap at pinakanangangailangan.

Hinihikayat natin ang mga kapwa lingkod-bayan na unahin muna ang pagseserbisyo bago ang ibang mga bagay tulad ng kampanya. Darating din ang tamang oras para riyan. Lutasin muna natin ang pandemya at unahin muna ang pagbabakuna bago ang pulitika dahil kung hindi natin malampasan ang krisis, marahil ay wala na tayong pulitikang mapag-uusapan pa.

Palagi nating tandaan na nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan sa patuloy na pakikipagbayanihan at pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang ating pagbangon mula sa pandemya at mga hamon ng panahon ang ating pangunahing hangarin bilang mga tagapaglingkod.

Tuloy ang serbisyo. Tuloy ang malasakit. Tuloy ang pagbabagong ating inaasam tungo sa mas komportable at maunlad na buhay para sa lahat. Kayang-kaya natin ito!

Leave a Reply