Thu. May 26th, 2022

By Senator Bong Go

Ngayong araw ay pumunta kami ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Occidental para siguraduhin na maayos ang rescue, relief and recovery efforts ng gobyerno sa layuning maiahon ang mga apektadong komunidad mula sa trahedyang dulot ng Typhoon Odette.

Tulad ng ginawa namin sa Southern Leyte at Surigao Del Norte noong Sabado, at sa Cebu at Bohol kahapon, pinangunahan muli ni Pangulong Duterte ang aerial inspection at situation briefing sa Kabankalan City kasama ang mga lokal na opisyal ng Negros Oriental at Negros Occidental; mga opisyal ng DSWD, DOE, DTI, DOTR, DOH, DA, DPWH, OCD, at iba pang ahensya pati ang hanay ng pulisya at militar.

Pagkatapos ng situation briefing, personal na sinaksihan namin ang ceremonial turn over ng DSWD ng 1,000 packs relief goods para sa mga apektadong pamilya. Namigay rin ng financial assistance ang Pangulo sa ilang mga pamilya roon habang pinakikinggan ang kanilang mga hinaing.

The President ordered concerned government agencies to deploy more ground personnel to expedite relief and recovery operations in the affected areas. He also ensured the continuous provision of food packs, water and shelter assistance by the DSWD; construction materials and housing assistance from DHSUD and NHA; and agricultural assistance from DA, especially replacement of damaged fishing boats for fisherfolks of Negros Island.

DTI was also ordered to monitor the price hikes that include power generators reportedly being sold at twice its usual price. Moreover, a declaration of State of Calamity is being considered to facilitate price freeze, among others.

Ensuring unhampered public service delivery is the President’s primary concern. Hence, DPWH was instructed to assist in river dredging, road clearing operations and turn-over of logs from uprooted trees to the LGUs to be used as housing construction materials. DOE, with help from power companies, was ordered to help restore electricity while DICT was tasked to also restore telecommunications and network connectivity. The DOTR is also fast-tracking construction and rehabilitation of seaports and airports, particulary the Kabankalan airstrip, to ensure unhampered flow of goods and personnel.

Meanwhile, the Office of the President, DFA and DBM were told to ensure availability of additional funds for the recovery and rehabilitation of affected areas. Aside from disaster response, the insurgency issues in Negros Island was also discussed by local leaders and the AFP with the President.

Sisiguraduhin ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na atensyon at tulong ang lahat ng mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. Walang tigil ang pagde-deploy ng kagamitan, ayuda, at personnel ng gobyerno at sisikapin naming mabisita ang iba pang mga nasalantang lugar tulad ng Palawan sa susunod na mga araw.

Bilang Chair ng Senate Committee on Health, patuloy ang aking pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga biktima ng bagyo. Pinaalalahanan ko ang LGUs at health officials na siguraduhing ligtas at may sapat na gamot at kagamitan sa mga evacuation centers. Siguraduhin din nating masusunod ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit lalo na ng Covid-19. Ayaw nating magkahawaan pa ng sakit at madagdagan pa ang hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.

Bagama’t marami tayong mga dinaanang pagsubok nitong nakaraang mga taon, huwag tayong mawalan ng pag-asa lalo na sa panahon na pinakakailangan ang pagmamalasakit at pakikipagbayanihan natin sa isa’t isa. Ipamalas natin ang tunay na diwa ng Pasko sa pamamagitan ng ating pakikipagkapwa-tao.

Magkaisa po tayo upang masigurong makaaahon sa trahedya ang ating mga kababayan.

Leave a Reply